CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa high risk ang Covid ward beds sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa health care utilization rate update as of of July 6, 2021.
Sa gitna pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan.
Nasa 70 % ang utilization sa Covid ward beds habang 40 % naman ng ICU beds ang nagamit
Nasa 33 % naman ng mechanical ventilators ang nagamit.
Batay sa daily COVID update ng departamento, sa healthcare utilization rate mayroong inilaan na 130 beds for COVID ang lalawigan at 76 dito ay nagamit o 58 %
Sa kabuuan nakapaglaan ang buong rehiyon ng nasa 1, 031 beds for Covid at 576 dito ay nagamit o 56 %.
Nasa 55. 4 % naman ang nagamit sa mga isolation bed habang 52 % ang nagamit na sa Covid wards.
Nasa high risk din ang ICU bed sa rehiyon sa 74 % utilization habang 50 % naman ang nagamit na mechanical ventilators.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na sundin ang health protocols para makaiwas sa sakit.

