Red tide toxin, nakabandera na naman sa Sorsogon Bay

SOROGON CITY – Muling nagpositibo sa red tide ang Sorsogon Bay, base ito sa pinakahuling Shellfish Bulletin No. 56 na inilabas ng BFAR noong Hunyo 25 nitong taon.

Nanawagan muli ang BFAR sa mga mamamayan na huwag munang mag-harvest o kumuha, bumili at kumain ng anumang uri ng shellfish na magmumula sa nasabing lugar.

Subalit ang mga mahuhuling mga yamang-dagat sa nabanggit na lugar katulad ng isda, hipon, alimango at pusit ay maaaring kainin subalit kinakailangang linisin at lutuin ng maigi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *