6 cops, sinibak sa serbisyo re: Illegal arrest sa N. Occ VM noong 2017

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government ang pagsibak sa serbisyo sa anim na mga pulis, kaugnay sa “election-related” incident noong 2017, kung saan ilegal na inaresto ang bise alkalde sa isang bayan ng Negros Occidental at asawa nito.

Kaugnay nito, tinukoy ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga nasibak na sina dating Moises Padilla police chief PCpt. Allan Reloj, PMSg. Ricardo Campos Dingcong Jr., PCpl. Nobel Perante, PCpl. Felix Corejado Pesales Jr., Pat. Michael Mondido, at Pat. Darryl Ducay Dormido.

Ayon kay Año, batay sa imbestigasyon ng National Police Commission, nadiskubreng nakagawa ng grave misconduct at grave irregularities ang naturang mga pulis sa kanilang performance of duties nang komprontahin at i-harass ang noo’y si vice mayor Ella Garcia-Yulo at ang kanyang asawa.

Batay sa DILG, ang mga-asawang Yulo ay nagmamaneho sa bahagi ng Barangay Crossing Magallon sa Moises Padilla nang harangan ang mga ito ng mga pulis sa isang illegal checkpoint.

Maliban sa ilegal na pag-aresto, nagsagawa rin ang mga pulis sa pangunguna sni Reloj ng illegal search at seizure sa sasakyan ng mag-asawa. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *