5M halaga ng Half-Way House para sa mga rebel returnee pinasinayaan

SORSOGON CITY – Pormal na pinasinayaan at binasbasan na ang ‘Harong Paglaom,’ o ang halfway home ng mga sumukong rebelde sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Ang nasabing gusali ay pinondohan ng DILG ng halagang P5M at ang kabahagi ng Pamahalaang Panlalawigan dito ay ang lupang pinagtayuan nito na matatagpuan sa Brgy Cogon, gayundin ang iba pang kagamitan sa loob ng ‘halfway house’ at ang pamamahala nito.

Magsisilbi itong pansamantalang tirahan ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan habang ang mga ito ay sumasailalim sa reintegration program. Ito ay kasama sa programa ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Sinimulan ang pagpapatayo nito noong nakaraang taon matapos ang groundbreaking noong Nobyembre 2019.

Ayon sa 31st Infantry Battalion, nasa 20 former rebels ang kayang e-accommodate ng nasabing halfway house.

Sa mensahe ni Secretary Hermogenes Esperon, ang programa umano ng gobyerno para sa mga Former Rebels (FRs) ay magtutuloy-tuloy.

Ang ribbon cutting ay pinangunahan ng vice-chairman ng NTF-ELCAC at National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Sorsogon Governor Francis Joseph Escudero, alkalde ng Juban na si Antonio Alindogan at matataas na opisyal ng AFP at PNP.

Mababatid na ang Sorsogon ay isa sa tatlong lalawigan sa Bicol na may sariling halfway house. Pinaka-unang nagtatag nito ang 902nd Infantry Brigade na nagkakahalaga lamang ng P140K na ipinalabas ng Prov’l Social Welfare and Development Office. Ginagamit ito ngayon ng mga FRs sa probinsiya ng Camarines Norte.

PHOTOS: 31st Infantry Battalion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *