Record of travel ni Bamban, Tarlac Mayor Guo, handang isumite ng BI sakaling ipa-subpoena

Handang isumite ng Bureau of Immigration ang record of travel ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sakali mang ipa-subpoena ito ng kahit anong ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, hindi nila ito masabi sa publiko dahil sa data privavcy issue.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Pero kung makakatanggap sila ng formal request para dito ay handa nila itong isumite.

Matatandaang , paulit-ulit na ginisa si Mayor Guo noong nagkaroon ng pagdinig sa Senado hinggil sa operasyon ng POGO hub sa probinsiya.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Isa sa kwestyon sa kanya ng mga senador ay ang kanyang pagkakakilanlan sat personal record bilang Pilipino.