City Hood Concert, Isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Magsasagawa ng City Hood Concert ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo.

Ito ay bilang parte ng selebrasyon ng 58th Olongapo Cityhood Celebration o ang pagiging Lungsod ng Olongapo.

Makiki-isa sa concert ang ilang mga local artist mula sa Olongapo at magkakaroon din ng surprise celebrity band na tiyak na dadayuhin ng publiko.

Ang Concert ay isasagawa sa June 22, 2024, Sabado sa Gordon College Grounds.

Samantala, hinihikayat ng pamahalaan ang mga residente ng Olongapo at Zambales na makiisa sa aktibidad.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *