Re-routing sa ilang mga PUV sa Naga City posible ngayong pasukan

NAGA CITY –Magkakaroon ng re-routing sa mga pampublikong sasakyan sa Naga City bago pa man magsimula ang pasukan ngayong buwan na Hulyo kabilang na ang ilang mga jeep na bumibiyahe mula sa San Felipe at Concepcion-Del Rosario-Centro vice versa bukod pa diyan ang mga trimobile na makikita sa mga unibersidad at kolehiyo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Layunin nito ay upang mabawasan ang pagkakaroon ng mahinang daloy ng trapiko tuwing rush-hours, umaga man o hapon sa uwian ng mga estudyante at mga empleyado, batay sa mga pahayag ni Barangay Kagawad Gil Belen, Federation president ng Trimobile Operators Drivers Association sa lungsod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon sa kanya, may initial ng pag-uusap para sa planong ito sa pagitan nila at ng mga nasa sektor ng jeep, tuloy maiwasan din ang agawan ng pasahero sa bahagi ng Barangay Peñafrancia na konsideradong “university belt” dahil sa malalaking paaralan sa lugar.