Batangas City –
Puspusan na ang ginagawang pagpapalakas ng isang manlalaro mula sa Nasugbo, Batangas para sa nalalapit niyang laban sa Palarong Pambansa 2024.
Siya si Kate Airan Gevero, 17 anyos na nakuha ang ikalawang pwesto at nag uwi ng isang pilak na medalya sa larong high jump.
Bagamat hindi ginto ang naiuwing medalya, pasok na pasok pa rin si Kate sa Palarong Pambansa dahil nakuha niya standard na kailang sa naturang kompetisyon.
Kwento ni Kate, nagsimula siya sa paglalaro noong Grade-6 pa siya at doon ay nakaranas siya ng mga tila panghuhusga dahil sa kanyang liit.
Aniya, hindi rin naging madali ang kaniyang pinagdaanan dahil bilang isang atleta, kasama na ang mga pagkatalo na kailangang tanggapin dahil bahagi iyon ng laro.
Inspirasyon ni Kate ang kaniyang magulang, kamag-anak, at mga kaibigan pati na rin ang kanyang mga coach at trainers na walang sawang gumagabay sa kaniya.
Partikular na pinasalamatan niya si Ma’am Geneb, na nangako sa kaniya na makakarating siya sa division at ngayon ay isa na siyang qualifier sa Palarong Pambansa 2024.
Sa susunod na laban ni Kate, papatunayan niya na karapat dapat siya sa gintong medalya.