Coast Guard, nakiisa sa Clean-Up Baybayin sa Lian

Batangas City –

Aktibong nakiisa ang mga kawani ng Coast Guard Sub-Station, Lian, Batangas sa isinagawang Coastal Clean-up driver sa baybayin ng Barangay Diego, Lian, Batangas.

Isinagawa ang clean-up drive bandang umaga noong nakaraang Sabado, June 22, 2024 na nilahukan din ng mga residente sa naturang barangay.

Layon ng aktibidad na ito na mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng lugar at upang maipabatid sa mga residente ang kahalagahan ng pangangalaga sa karagatan.

Samantala, nabatid na umabot sa dalawampu’t isang sako ng iba’t-ibang uri ng basura ang nakolekta ng coast guard.