Rank no 2 at 3 Most Wanted Person sa bayan ng San Lorenzo Ruiz arestado sa probinsya ng Bulacan

CAMARINES NORTE – Naaresto ng San Lorenzo Ruiz MPS sa pamumuno ni PCPT Christopher A Logronio, OIC ang magkapatid na Rank No. 2 at 3 na pinakatinutugis ng pulisya sa bayan ng San Lorenzo Ruiz sa pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan at ilang operatiba sa Camarines Norte kasama ang Sta. Maria MPS, Bulacan Police Provincial Office nitong Hulyo 6, 2021

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Sherwin Abad y Avellana, 39 taong gulang isang manggagawa at tubong Purok 3, Barangay Mancruz Daet at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Partido, Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria Bulacan.

Si Avellana ay ika -3 sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng San Lorenzo Ruiz at ito ay naaresto dakong 7:55 sa nabanggit na araw

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Habang si Aldwyn Abad y Avellana ,36 taong gulang isang manggagawa rin at tubong Barangay Mancruz, Daet ang ikalawa sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons ng kaparehas na bayan at ito ay naaresto dakong 11:00 ng umaga sa Barangay Panghulo, Obando, Bulacan kasama ang tauhan ng Obando MPS sa parehong araw ng pagkakaaresto sa kanyang kapatid

Inaresto ang magkapatid sa bisa ng Mandamiento De Aresto na ipinalabas ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte na may petsang August 17, 2015 para sa kasong Frustrated Murder ito na may dalawang daang libong pisong (Php200,000.00)  piyansa bawat isa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya ala-una ng umaga ng Mayo 15 taong 2015, nang maganap ang insidente ng tangkang pagpatay ng dalawang akusado kasama ang iba pa nilang kasamahan sa isang nagngangalang Romeo V. Mira na naganap sa Brgy. Pamorangon, Daet, Camarines Norte.

Samantala ang dalawang suspek ay nasa kustodiya na ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon

(photo courtesy: CNPPO)