Lumapag na kahapon sa Subic Bay International Airport ang Philippine Airlines plane na may sakay na mga umuwing Overseas Filipino Workers na nagmula sa Dammam, Saudi Arabia.
Mismong si SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma ang nag-welcome sa 299 na mga OFWs.
Ang PAL Flight PR5683 ay ang unang commercial flight na lumapag sa SBIA matapos ang isang dekada kung saan taong 2011 pa ang huli sa pamamagitan ng Astro Air flight.
Ang mga pasahero ay sasailalim sa sampong araw na quarantine sa mga DOT accredited hotel sa SBFZ.
Nasa anim na flights ang inaasahang lalapag ngayong Hulyo sa SBFZ na mag-uuwi ng mga OFWs bilang bahagi ng programa ng national government.
Ang unang dumating noong Lunes ay hindi nakalapag sa SBIA dahil na rin sa hindi magandang panahon kaya nagdivert ito sa Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Freeport Zone.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SBMA Media Production Department
