Raliyista, dagsa na sa ‘Black Friday protest’; Profiling at harassment, pinabulaanan ng PNP

Tuloy ang pagdagsa ng iba’t ibang grupo at mga indibidwal sa CCP Complex sa Maynila para kundenahin ang naging resulta ng halalan bilang bahagi ng tinatawag na ‘Black Friday’ protest.

Simula kaninang umaga ay unti-unti nang kumakapal ang bilang ng mga raliyista sa palibot ng CCP kabilang na ang Harbour Square, at sa PICC kung saan ginaganap ang bilangan ng NBOC para sa senatorial at party-list race.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Sigaw ng mga raliyista, ‘Never Again’ – sigaw ng pagtutol sa nakaambang muling pagkakaupo ng isang Marcos sa Malakanyang.

Kinundena rin ng mga nakilahok sa pagtitipon ang umano’y kapalpakan ng Commission on Elections.

Sa kasalukuyan, bantay-sarado na ang mga lugar kung saan inaasahang daraan ang mga raliyista at nakahilera na rin ang mga kapulisan sa PICC forum sa bahagi ng Pasay at sa Maynila.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Bago ito, una nang itinanggi ng Philippine National Police na nagsasagawa ito ng profiling sa mga raliyista.

Ayon kay PNP PIO chief Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, wala raw katotohanang minamarkahan nila ang mga nakilahok sa mga kilos protesta ngayong araw, at ang mga nauna nang nag-rally sa COMELEC kamakalawa.

Ang mga kinukuhang litrato umano ng mga kapulisan ay bilang bahagi lamang ng pagbibigay ng situationer report – at hindi para sa profiling.
#