Kinumpirma ng Commission on Elections na maaari nang i-proklama ngayong linggo ang mga mananalo sa pagka-senador at ang mga mabibigyan ng puwesto sa Kamara sa pamamagitan ng party-list system.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, maaaring matapos na ngayong araw ang canvassing o ang pagbibilang ng nalalabing 52 na mga certificates of canvass para sa senatorial at party-list race.
Posible umanong hindi na lumagpas pa sa araw ng Linggo ang bilangan at makapag-deklara na rin kaagad ng mga mananalo.

Sa kasalukuyan, 121 na mula sa 173 na mga COCs ang nabibilang ng National Board of Canvassers.
Kaugnay nito, ibinida ng COMELEC na hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na reklamo mula sa mga watchers at kinatawan ng mga tumatakbong kandidato.
Ibig-sabihin, walang discrepancy na nakita ang mga representative ng mga pulitiko sa pag-match ng mga certificate of canvass.
Kinikilala rin umano ng mga citizen arms ang mga resulta ng kanilang bilangan kabilang na ang PPCRV, NAMFREL, at iba pa.
Mababatid na pansamantalang sinuspinde ang ang sesyon ng NBOC kagabi para sila raw ay makapagbreak at makapagpahinga.
Nakatakdang ituloy ang canvassing ng senatorial at party-list race ngayong ala-una ng hapon.
#