Pianghahandaan na ng Office of the Vice President ang mga hakbang nito para sa transition ng susunod na uupong bise presidente ng Republika ng Pilipinas.
Ayon kay OVP spokesperson Atty Barry Gutierrez, handa na ang kanilang opisina sa pagtatapos ng termino ni Vice President Leni Robredo sa Hunyo.

Sa ngayon aniya ay wala pa rin namang nakikipag-usap sa kanila at hindi pa nakikipag-ugnayan ang kampo ni presumptive vice president Mayor Sara Duterte.
Sa ngayon, wala pa umano silang dapat kuwestyinun sa resulta ng halalan.
Ayon kay Gutierrez, pagdating sa unofficial count ay wala naman silang objection dito, ngunit mayroon pa ring kailangang linawin pagdating sa ibang mga isyu kagaya na lamangng mga vote counting machines na nagka-aberya.
#