Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na itutuloy ng pamahalaan ang pagpapatupad ng PUV modernization program.
Sa kabila ito ng inihaing resolusyon ng senado na humihiling na suspendihin muna ang pagpapatupad ng programa.
Sa ambush interview sa Pampanga, sinabi ng Pangulo na hindi minadali ang proyekto, sa katunayan pitong beses nang itong nasuspendi.
Ipinunto rin ng Punong Ehekutibo na mas maliit ang bilang ng mga humihiling ng suspension, kumpara sa lagpas 80% na nagpa consolidate.
Kaya mas dapat daw pakinggan ang boses ng majority.
Nabatid na nasa 22 senators ang lumagda sa resolusyin hinggil sa temporary suspension ng PUVMP.