Muling nagpaalala ang otoridad na ugaliing magsoot ng helmet para sa proteksyon, magdahan-dahan palagi sa pagmamaneho at sundin ang defensive driving upang maiwasan ang aksidente.
Ito’y matapos bianwian ng buhay ang dalawang motorista matapos magsalpukan sa daan at magtamo ng malubhang sugat sa katawan sa Crossing Marbel, Barangay Mateo, Kidapawan City nitong nakaraang araw.
Sa ulat, nakilala ang mga biktima na si Jimboy Tanggaan residente ng Chapter, Poblacion, Magpet, Cotabato at isang Owing Cornejo na taga Ginatilan Kidapawan City.
Sa imbestigasyon, parehong binabaybay ng dalawang motorista ang inner lane ng magkasalungat na dereksyon ng aksidenteng magkabanggaan.
Kapwa nagtamo ng matinding mga bali at sugat sa katawan ang dalawa na parehong walang soot na helmet.
Napag-alaman din na dumalo sa libing ng kanyang kamag-anak ang biktimang si Tanggaan.
Naulila ng dalawang biktima ang kani-kanilang asawat mga anak.