Mahigit P20M halaga ng hinihinalang kush, nasabat sa isang Thai national sa NAIA

Mahigit P20 milyong pisong halaga ng hinihinalang kush ang nasabat ng mga awtoridad sa bagahe ng isang Thai national sa NAIA Terminal 3 kagabi.

Ayon kay PNP Drug Enforcement Group Director, BGen. Eleazar Matta, naaresto ang 40-anyos na dayuhan sa ikinasang controlled delivery operation ng NAIA- Interagency Drug Interdiction Task Group sa International Arrival area ng paliparan

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Nasamsam sa suspect ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 14, 825 grams ng suspected kush na nagkakahalaga ng Php20,755,000.00.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kahaharapin ng suspek.