PTFoMS, pinasasama ang media harassment bilang election offense

Pinaplantsa na ng Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS at ng Commission on Election o COMELEC ang kasunduan na isama sa listahan ng mga election offense ang media harassment.

Ayon kay PTFoMS Director Paul Gutierez, kabilang sa mga nais nitong maisama bilang election offense ang anumang threats, harassment, physical attacks at iba pang uri ng karahasan sa media.

Kaugnay nito isang memorandum of agreement o MOA ang nakatakdang pirmahan ng dalawang ahensya sa unang linggo ng Hunyo.

Liban dito, nangako rin ang PTFoMS na lilikha ng isang database ng election-related incidents na kinasasangkutan ng mga media workers.

Upang agad matugunan ng COMELEC ang mga insidenteng ipaparating sa kanila ng PTFoMS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *