LEGAZPI CITY – Umabot na sa mahigit 2,500 na mga indibidwal ang stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa Bicol Region dahil sa Bagyong Aghon ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) Bicol.
Ayon kay PPA Bicol Regional Spokesperson Achilles Galindes, kaninang alas 9 ng umaga ay umabot na sa 2,689 ang kabuuhang bilang ng mga naantalang pasahero sa Matnog Port, Pio Duran, Pilar, Tabaco at Catanduanes.
689 na mga pasahero ang nasa loob ng pantalan, habang mahigit 2,000 naman ang mga nasa labas o nakapila sa kahabaan ng Maharlika Highway.
Pinakamaraming naitala sa Matnog Port na nasa humigit-kumulang 400 ang sa loob at 1,700 ang mga nakapila sa kalsada, 64 rolling cargoes, 400 na trucks, vehicles at iba pa; habang nakapagtala naman ang Pio Duran Port ng nasa 100 pasahero sa loob at nasa 400 ang mga nasa labas.