Pinaka-unang art exhibit, umarangkada na sa Partido; suporta ng mga LGU, panagawan

CAMARINES SUR –  Kasabay ng kauna-unahang pagsisimula ng Silyab Art Exhibit at iba pang aktibidad ng Partido Artists Group (PAG), naging sentro ng panawagan ng subgroup leader ng sektor ng visual artist, ang suporta mula sa mga lokal na gobierno sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Kim Real ng PAG- Visual Arts Group, isa aniyang hamon sa grupo at lalo na sa mga local artist ang aspektong pinansyal, at kawalan ng suporta ng ilang lokal na pamahalaan sa arts sector. Binigyang-diin rin nito na malaking tulong sana sa kanila kung tutukan at bibigyan ng budget ng mga LGU ang ganitong aktibidad.

Ganito rin ang naging panukala ng presidente ng grupo, ayon kay Sonny Malate, panahon na rin aniya na gumawa ng mga programa o ordinansa ang mga Sangguniang Bayan, isama sa annual budget, at talakayin ang pagpapalakas ng Arts Sector sa Partido Area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *