Pagpapatupad ng Anti-Bullying Act sa isang paaralan sa Naga , mas pinapalakas

NAGA CITY – Mas pinapalakas ng San Isidro National High School sa Naga City ang pagsulong sa Anti-Bullying Act kahit na nga walang gaanong naitalang kaso ng bullying o ang pang-aapi sa kapwa ang nasabing paaralan.

Sa panayam ng Brigada FM Naga kay Ramon Geronimo Jr., School principal ng naturang paaralan, nakamonitor pa naman sila sa behavioral aspect ng mga mag-aaral at base sa kanilang pinakahuling monitoring, pawang mga away bata na lamang ang madalas na nangyayari hindi tulad ng mga kaso kung saan kailangan pang idaan sa counseling at ipatawag ang mga magulang. Natutuwa naman si Geronimo dahil sa nakikita niya, mula pa lamang sa tahanan, nadidisplina na ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Kamakailan lang nagpalabas ang Department of Education (DepEd) ng kautusan na mas pang palakasin ang implementasyon ng Anti- Bullying Act at tingnan kung nasusunod pa ba ang Child Protection sa bawat paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *