Proposed budget ng PCO sa 2025, mabilis na na-terminate sa plenaryo ng Kamara

Mabilis na na-terminate ang plenary deliberations para sa panukalang budget ng Presidential Communications Office sa susunod na taon.

Walang tumutol sa mosyon para tapusin ang debate sa 2.281 billion pesos na budget ng PCO na mas mababa ng 24.37 percent kumpara sa kasalukuyang pondo.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay House Assistant Majority Leader Jil Bongalon na siyang sponsor ng budget, mahalaga ang PCO bilang lead communications arm ng gobyerno.

Kritikal aniya ang papel nito sa pagpapaabot ng mensahe sa publiko alinsunod sa Executive Order Number 16, series of 2023.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Naniniwala naman si APEC Party-list Representative Sergio Dagooc na dapat ay mas malaki pa sana ang budget na inilaan sa PCO.