Wanted posters ni Roque – nagkalat

Tuluyang pagsuko ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Ito ang panawagan ng Akbayan Party laban sa umano’y ‘self-confessed fugitive POGO lawyer’ na si Roque, kasabay ng arrest order mula sa Quad Comm ng Kamara.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ayon kay Akbayan Youth Secretary General Khylla Meneses, pinapayuhan na nila si Roque na lumabas na sa pinagtataguan nito at harapin ng house committee.

Kaugnay nito, nagpakalat na ng ‘WANTED’ posters ang grupo sa kahabaan ng Kalayaan Plaza, Barangay Central, Quezon City.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Namahagi na rin ang mga ito ng naturang poster sa mga residente, tricycle drivers, at mga tindero at tindera sa lugar.

Sa huli hinikayat ng grupo ang publiko na makiisa sa pagtugis kay Roque.