Pirmado na ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng LGU City of Ilagan, Office of the Civil Defense Region 2, Department of Science and Technology Region 2 at Isabela State University para sa implementasyon ng proyektong Optimization of a decision support system for effective E-Governance (Odessee).
Sa pamamagitan umano ng data base na nakolekta ay matutulungan ang LGU at OCDR2 na matukoy ang mga lugar na maituturing na ligtas o hindi ligtas sa panahon ng mga kalamidad na siyang gagamiting basehan para sa evacuation management plan.
Napili umano ang syudad bilang pioneer na magpapatupad ng naturang proyekto dahil sa nauna nang implementasyon din ng health guard app na ginawa ng ISU na ginamit sa contact tracing ng LGU ngayong may pandemic.
Sinasabing mahigit kalahati na sa populasyon ng lunsod ang nakaregister sa health guard na dahilan upang magiging epektibo ang pagpapatupad ng project ODeSSEE at magkakaroon ng alert system sa mga residente patungkol sa flooding situation sa kanilang barangay.