Infectious diseases specialists’ society, hindi pa inirerekomenda ang booster shot

Wala pa umanong rekomendasyon ang Infectious Diseases Specialists Society na kinakailangan na ang booster shot ng COVID-19 vaccine.

Ito ang kinumpirma ni Dr. JC Valencia, ang infectious specialist ng Cagayan Valley Medical Center.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Aniya, bagaman mayroong pagbaba sa level ng antibodies pagdating ng anim na buwan ay nananatili pa rin umano ang bisa ng bakuna.

Ayon kay Dr. Valencia, dapat ireserba ang mga bakuna lalo na sa mga hindi pa nakakatanggap nito para sa dobleng proteksyon.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dahil batay aniya sa datos ng CVMC, napag-alaman na pawang mga unvaccinated ang mga tinamaan ng covid-19 na nasa severe at kritikal ang kondisyon ngunit ang mga asymptomatic at mild cases ay bakunado na.