HERT, inilunsad sa City of Ilagan; inaasahang magbubukas ng job opportunities sa metal industry

Inaasahang magbibigay ng job opportunities para sa mga local manufacturers ng sasakyan sa City of Ilagan at matutugunan ang mass transportation matapos lagdaan ang MOA sa pagitan ng LGU, Department of Science and Technology (DOST) at Isabela State University (ISU) kahapon, August 11, 2021 sa hybrid Electric Road Train (HERT).

Sa kaniyang pahayag ay sinabi ni DOST Under Secretary at DOST Region 2 OIC Regional Director Engr. Sancho Mabborang na ang HERT ay isang environmentally friendly at alternative mode ng mass transportation.

Aniya, sa pamamagitan nito ay hindi lamang matutugunan ang problema sa transportasyon sa probinsya kundi magbibigay din ng karagdagang kita sa lokal na pamahalaan at mamamayan nito sa mga darating na taon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Mayor Jose Marie Diaz, ang hakbang na ito ng LGU ay bahagi lamang ng kanilang hangarin patungo sa pagiging liveable City ng syudad sa ilalim ng konsepto ng mobility.

Aniya, magkakaroon ng alternatibong sasakyan na hindi makakasama sa kalikasan dahil pinapatakbo ito ng kuryente at tiniyak na hindi nito maapektuhan ang pasada at kita ng mga tsuper ng jeep at tricycle.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Paliwanag niya na mayroong apat na cluster ang lunsod kung saan hindi aniya ito napupuntahan ng mga naturang public transportation kayat ang HERT ang inaasahang tutugon dito.

Sa panayam naman kay SP Jay Eveson Diaz, inihayag nito na sa ilalim ng MOA, ang LGU ang siyang gagawa ng yunit ng train kung saan mabibigyan ng oportunidad ang mga manggagawa sa syudad kagaya ng mga welders.

Popondohan aniya ito ng LGU na manggagaling sa 2021 budget at gagawa ng inisyal na dalawang yunit ng HERT.