Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro ngayon sa P79. 10 hanggang P84 . 29 kada litro, gasolina P75. 10 hanggang  P80. 19

CAMARINES NORTE- Naglalaro na ngayon sa P75. 10  hanggang  84. 29 ang kada litro ng diesel habang P75. 10 hanggang P80. 19 ang kada litro ng gasolina sa ilang pangunahing gasolinahan sa Camarines Norte.

Kasunod yan ng ipinatupad na oil price rollback nitong Martes, July 26.

Sa bayan ng Daet sa Shell Mancruz nasa P79. 30 ang kada litro ng kanilang fuel save diesel, P84. 29 sa V power diesel, P78. 20 sa fuel save gasoline at P80. 19 sa V power gasoline.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa Seaoil nasa P79. 30 ang kada litro ng exceed diesel, P78. 20 sa Extreme U at P78. 70 sa Extreme 95.

Ganito rin ng presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.

Pareho rin ang presyuhan sa Petron Pandan para naman sa kanilang diesel, xtra advance, XCS habang ang turbo diesel ay nasa 81. 39 ang kada litro.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Wala ring pinagkaiba ang presyo nito sa Phonenix petroleum para sa kanilang diesel at premium maliban sa super unleaded na nasa P78. 40 ang kada litro.

Sa petro gazz naman sa bayan ng Basud nasa P79. 10 ang kada litro ng kanilang DZL Power, P75. 95 sa Prime 91 at P76. 45 sa premium 95.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng rollback matapos ang serye ng mga pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.