Liza Soberano, nag-appear sa kanyang unang TV guesting sa South Korea

Nag-appear na sa kanyang kauna-unahang guesting at TV appearance sa South Korea, ang aktres na si Liza Soberano, matapos itong maimbitahan sa “Not Hocance But Scance,” na isang TV show sa naturang bansa.

Si Soberano ay makikita sa stitched photo, kasama ang mga hosts ng show, na sina Ye Ji-won, Ji-young Kang, Nicole Jung at Soyou.

Napag-usapan ng aktres at ng mga hosts ang tungkol sa barbeque meal, tulad sa makikita sa clip mula sa show ng YouTube channel ng naturang network.

Sa gitna nito, ibinahagi rin ni Liza ang layunin ng kanyang pagbisita sa South Korea, matapos itong matanong ng isa sa mga hosts.

Tugon ng aktres, kind-of-vacation-kind-of-work ang kanyang pagpasyal doon, kasabay umano ng pag-eexplore sa Seoul.

At bilang huge fan umano siya ng K-pop at K-drama, sinabi ni Liza na nais niyang makahanap ng trabaho doon.