PPCRV nagsimula nang maghanda para sa May 2022, elections, pagsasagawa naman ng voters’ education isa umanong napakalaking hamon

CAMARINES NORTE – Nagsimula nang maghanda ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa May 2022 national and local elections.

Maraming volunteers din ang kakailanganin depende sa laki o sa lawak ng parokya o munisipyo.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Marissa Bernardo, PPCRV Diocesan Lay Coordinator, inihayag nito na nagsimula na silang mag organisa ng mga volunteer at patuloy na naghahanap.

Target ng PPCRV na makakuha ng nasa 30- 50 volunteer sa kada parokya ng Diocese of Daet depende sa laki o s alawak ng nasasakupan.

Mas mainam din umano kung fully vaccinated na ang mga volunteers lalo na ang idi- deploy sa mga presinto.

Ang isa umanong PPCRV volunteer lalo na ang mga idi- deploy sa polling precint ay dapat registered at 18 anyos pataas.

Gayunman tumatanggap rin umano sila ng mga volunteer na 15 anyos na may iba ring trabaho maging ang mga nakatatanda na malakas pa ang pangangatawan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aminado si Bernardo na malaking hamon ang paghahanap ng volunteers dahil libreng pagkain lang ang naibibigay sa kanila at kahit pamasahe ay kaniya- kaniya.

Hindi pa rin aniya malinaw sa ngayon kung ano  talaga ang magiging aktuwal na eleksyon sa gitna na rin ng patuloy na banta ng COVID- 19.

“Hindi pa rin masyadong malinaw sa atin ano yung magiging aktuwal na magiging eleksyon natin sa May 2022 dahil nga, first time kasi diba na mag eeleksyon tayo na pandemic so hindi pa makita yung clear view no, kahit ang Comelec pag nagmi- meeting kami hindi pa nila masabi kung paano na yung, mas mahaba siguro yung oras kasi nga di ba imi- maintain natin yung health protocol, yung ganun, pero mas maganda talaga na lahat bakunado, ani Bernardo.

Sa November 6 ay nakatakdang magkaroon ng launching sa national ang PPCRV at pagkatapos nito ay sa mga lokalidad naman.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Karamihan din daw sa kanilang training at meeting ngayon ay virtual

Ayon pa kay Bernardo, malaking hamon din  ang pagsasagawa ngayon ng voter’s education dahil iba pa rin ang face to face.

Noong nakaraang eleksyon ng 2019 ay maagang nagsagawa ng voters’ education ang PPCRV kung saan nagtutungo ang mga ito maging sa malalayong barangay.

“Noon talagang start ng January o November palang nagpupuntahan na kami sa mga paro- parokya para mag voters’ education lalo na yung mga na saliblib nating mga kababayan, ngayon yun yung medyo hindi namin alam kung paano namin gagawin pero titingnan din naming kung pwede kaming mag conduct face to face ng tig kokonte lang kasi iba pa rin yung personal dahil hindi naman lahat ng mga tao ay mayrong laptop , merong cellphone diba, para maka aattend ng mga trainings namin kaya very ano, very challenging yung election natin ngayon.”