Mga nabakunahan vs COVID-19 sa Albay, 26% pa lang ng target population

BICOL—Umaabot pa lang sa 26% ng target population ang nababakunahan laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Office Supervising Administrative Officer Ryan Altavano kung saan sinabi nitong masyado pa itong malayo para maabot ang kinakailangang bilang ng mga dapat mabakunahan upang makamit ang herd immunity.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nabatid na umaabot sa 987,196 na indibidwal ang kailangang maturukan ng COVID-19 vaccine sa Albay upang maabot ang target.

Tuloy-tuloy naman ang vaccination rollout ngayon sa lalawigan kung saan kahapon ay sinimulan na rin ang pagbakuna sa mga nag-eedad 18-anyos pataas na ginanap sa Albay Astrodome.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Pero ang mga nakapag pre-register lamang sa PHO sa pamamagitan ng pagtext o pag-iwan ng mensahe sa APVOC facebook page ang prayoridad upang mapanatili ang kaayusan sa vaccination site.### || slm