CAMARINES NORTE- Patay ang isang ginang matapos mabangga ng tricycle Martes ng umaga sa Purok 3, Barangay Dalnac, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang biktima na si Gemma Umerez y Ubana, 50 anyos, may asawa at residente sa naturang barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Labo ang tricycle na minamaneho ng isang nagngangalang Jomar Emata 25 nang aksidente nitong mabangga ang biktima habang tumatawid sa kalsada.
Nakaladkad pa ang ginang sa madamong bahagi ng lugar na nagtamo ng mga sugat sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.
Isinugod pa ito sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng doctor.
Nahulog naman sa palayan ang tricycle at nagtamo rin sugat sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ang driver nito.
Nasa kustodiya ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang driver at ang tricycle para sa kaukulang disposisyon.
(Photo courtesy: Aris Zante Zamudio Alexpolous)

