CAMARINES NORTE- Ipinagkaloob ng kapulisan ng Sta. Elena MPS ang munting pabahay sa isang pamilya sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.
Ito ay sa pagpapatuloy ng proyektong Enhanced Law Enforcers Neighborhood Assistance ng kapulisan at pakikiisa ng Municipal Advisory Group at ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.
Limang araw ang inilaan ng kapulisan at ng mga katuwang nito upang maisakatuparan ang nasabing pabahay kung saan ito ay ang ika-walong pabahay na ipinamigay ng kapulisan.
Ganap na ika-1:00 ng hapon ng June 5, 2023, iginawad ang “Pabahay” sa isang residenteng magsasaka, na taga Brgy. Sta. Elena (Poblacion), Sta. Elena, Camarines Norte.
Dahil sa matagumpay na pagpapatuloy ng proyektong ito, mas marami pa umanong tao ang nabigyang inspirasyon upang tumulong at sumuporta sa nasabing proyekto ng kapulisan ng Sta. Elena MPS.
