4P’s beneficiaries sa Camarines Norte posibleng madagdagan ng hanggang P40,000 household mula sa kasalukuyang mahigit 32,000

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na posibleng madagdagan nang hanggang P40, 000 household ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa Camarines Norte mula sa kasalukuyang 32, 480.

Ito ang inanunsiyo ni OIC Provincial Link Sheena Tad-o sa isinagawang Provincial Media Forum nitong Miyerkules, Hunyo 7, sa bayan ng Mercedes.

Ayon kay Tad-o nagkaroon ng assessment ang DSWD noong Abril sa potential beneficiaries o ang referred poor household mula sa 2019 Listahanan.

Sa ngayon umano ay nasa proseso na ang ahensiya ng pakikipag usap sa mga Local Government Unit.

Read More:  Father dead, teen daughter hurt in Talisay computer shop shooting

Ang unang proseso daw kasi nito ay magkaroon ng posting ng potential beneficiaries upang malaman kung ang mga ito ay eligible pang makapasok sa programa dahil ginawa ang Listahanan noon pang 2019.

Sa pagkakataon umanong ito ay mahalaga ang gagampanang papel ng komunidad para i-identify kung eligible pa ang mga potential household alinsunod sa existing criteria ng programa.

“To answer you briefly we have additional Pantawid Pamilyang Pilipino Program  and as to  kelan ba katagal or kelan pwedeng madagdagdagan ang potential natin, that is base on the national, kumbaga kung meron sanang ire- refer na based din sa resulta ng Listahanan, so sa level namin, hindi tayo sa Pantawid  hindi tayo kumbaga, pag may na- identify na ni-refer sa atin, usually ganun eh, oh may mahirap meron tayong poor households can we refer this, ipasok na natin sa 4P’s, what we’re doing is that  the list will come from the Listahanan of course as the priority for validation and then we will assess that, and then dun lang po kami sa listang yun, hindi po kami kumukuha ng ibang listahan sa iba,” paliwanag ni Tad-o ng matanong ng Brigada News FM.

Read More:  Davao region retains “Cacao Capital” status of the Philippines amid strong production output