Positive COVID-19 antigen tests, kasama na sa case count ng Pilipinas ayon sa Palasyo

Inanunsyo ng Malacañang na isasama na sa case count ng COVID-19 sa Pilipinas ang bilang ng mga nakakuha ng positibong resulta mula sa rapid antigen tests.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang naturang desisyon upang makita ang bigger picture sa kinahaharap na pandemya ng bansa.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Gayunman, nilinaw ni Roque na magiging subject pa rin para sa confirmatory tests ang mga nagpopositibong kaso.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Inihayag ng opisyal na may kinalaman ang naturang hakbang sa pagsisikap ng gobyerno na mapabuti ang reporting ng COVID-19 cases.

Iginiit naman ni Roque na imo-monitor ng regional IATF at ng Center for Health Development ng Department of Health ang alokasyon at paggamit sa antigen kits.