Kakulangan sa mga radiologists, problema ngayon sa lalawigan ng Sorsogon

Nangangailan ngayon ang pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon ng mga radiologists na ilalagay sa mga pampublikong ospital sa probinsya o di kaya naman ay magbibigay ng serbisyo kahit online.

Ayon kay Board Member Roland Añonuevo, Sangguniang Panlalawigan Committee Chairman on Health, Demography, Senior Citizens and PWD, ang kakulangan sa mga radiologists na

magbabasa ng ultrasound ang rason kung bakit natitengga ang pagpapalabas ng resulta sa mga ito. Bukas umano ang provincial LGU sa mga interesadong magbigay ng kanilang serbisyo kahit nasaan pa mang lugar dahil puwede ring online ang kanilang magiging serbisyo kung saan per reading ang kanilang magiging kompensasyon.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

May mga sinanay naman umano silang personahe na nag- uultrasound pero wala ang mga itong kakayanang magbasa ng resulta na siyang ginagawa ng mg aradiologist.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa ngayon, dahil sa malaking kakulangan sa mga radiologists ay pinayagan ng Commission on Audit (COA) na maglaan ng P400,000 na sahod kada buwan para sa mga ito.

Hinikayat rin ng opisyal ang mga kabataan na mag-aral ng radiology dahil sa demand at laki ng pangangailangan sa ganitong propesyon.