“Population protection” sa NCR sa Nobyembre, posibleng makamit – DOH

Inihayag ng Department of Health na mayroong posibilidad na makakamit ang sinasabi ng Malacañang na “population protection” sa National Capital Region sa darating na Nobyembre ngayong taon.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nag November target para sa population protection ay base sa bilis ng bakunahan at sa dami ng mga mababakunahan kontra covid-19.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Mayroon din aniyang “certain percentage” para masabing nakamit na ang population protection.

Halimbawa ni Vergeire, upang makamit ang population protection sa NCR, dapat aniyang mapataas pa ang bilang ng mga nababakunahan sa hanay ng mga senior citizens at may comorbidities.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Mababatid na nauna nang sinabi ng DOH na pagdating sa population protection ay mas kakaunti lamang ang target na mabakunahan kumpara sa herd immunity.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang pagbabakuna sa A2 at A3 category sa buong bansa.