Velasco, nangakong isusulong ang PAF modernization matapos ang C-130 crash

Nangako si Speaker Lord Allan Velasco  na susuportahan ang mga hakbang para maisulong ang modernization ng Philippine Air Force fleet kasunod ng pagbagsak ng C-130 plane kahapon sa Sulu na ikinamatay ng 50 katao, mayorya ay mga sundalo.

Sa isang statement, nagpahayag ang House speaker ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa trahedya.

Ayon sa kongresista, ang maipapangako nya kasunod ng insidente ay isasama ng mababang kapulungan sa 2022 budget ang modernization ng fleet ng PAF pati na ang pagtiyak sa proper training ng personnel sa paggamit ng modern equipment.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Aniya, dapat ay isasama ng Kongreso ang pagbili ng mas maraming C-130 planes sa 2021 national budget, pero kinulang sa oras para mag-deliberate tungkol sa pag-modernize ng PAF fleet nang magtake over sya noong Oktubre 2020.

Kaugnay nito, nanawagan si Velasco sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng malalimang probe para maiwasang maulit ang kahalintulad na insidente. 

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Hinimok din nya ang AFP na i-review ang protocol ng PAF pilots at magsagawa ng inquiry sa kaligtasan ng runways sa buong bansa lalo na sa mga probinsya.

Mababatid na 47 sundalo at tatlong sibilyan ang nasawi sa insidente habang 49 iba pang tropa militar at apat na sibilyan ang sugatan.