Pope Francis bibisita sa Canada para sa “reconciliation” kasama ang indigenous groups

Pumayag na si Pope Francis na bumisita sa Canada para tumulong sa “ongoing reconciliation” efforts kasama ang indigenous groups.

Ito ang kinumpirma ng Vatican bagamat hindi pa inilabas ang petsa ng pagbisita.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Ang pagbisita ay kasunod naman ng mga nakakabahalang report kaugnay sa mga indigenous children na namatay habang dumadalo sa residential schools.

Sinasabing malaki ang papel ng Catholic church sa pagtatatag at operasyon ng naturang eskuwelahan.

Read More:  Hong Kong leader apologizes over deadly Tai Po fire

Hanggang sa ngayon naman ay wala pang inilalabas na formal apology si Pope Francis sa kabila ng panawagan ng mga Canadians.

Kinumpirma din ng Vatican na ang Canadian Conference of Catholic Bishops ang nag-imbita sa Santo Papa.