Pondo sa Mayon bakwits, sapat – OCD

Tiniyak ng Office of the Civil Defense (OCD) na sapat na sapat pa ang kasalukuyang pondo ng ahensya para sa pag-responde sakaling magkaroon ulit ng evacuation sa mga residente na malapit sa Mayon Volcano sa Albay.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay OCD Joint Information Center chief Diego Mariano, siniguro nito na hindi kakapusin ang pondo para marespondihan ang ating mga kababayan sa buong bansa at hindi lamang sa mga naninirahan malapit sa Bulkang Mayon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nakikipag-ugnayan rin daw sila sa DepEd dahil sa paggamit ng mga classroom at tinitingnan ang pagbabalik pansamantala sa modular system sakaling magkaroon pa rin ng mga evacuees sa darating na pagbubukas ng klase. // AC