SOJ Remulla, sumailalim sa heart surgery

Sa kauna-unahang pagkakataon – humarap na sa mga kawani ng media si Justice Secretary Remulla matapos ang kaniyang na-file na 10-day wellness leave.

Sa pulong balitaan, kinumpirma ng Kalihim na sumailalim siya sa heart bypass surgery noong June 27 matapos ang nakitang bara sa kaniyang puso.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Kung hindi raw ito naagapan ay maaari itong magdulot ng stroke o atake sa puso.

Read More:  Quezon City RTC issues arrest warrant vs. VP Sara Duterte

Samantala, sa Lunes ay nakatakda na raw siyang opisyal na mag-back-to-work at pupulungin niya ang mga undersecretaries at assistant secretaries para talakayin ang iba’t ibang issues at trabaho sa Kagawaran.