Iginiit ng China na hindi dapat i-ugnay ang isyu ng tensyon sa South China Sea (SCS), sa normal na ‘cultural and people-to-people exchanges’.

Ito ay makaraang mabatikos ang pelikulang ‘Barbie’ dahil sa pagpapakita rito ng nine-dash line na iginigiit ng China, sa kabila ng desisyon ng UNCLOS na bumabasura sa claim na ito.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning – hindi dapat madamay ang normal culture pagdating sa tensyon sa pagitan ng mga claimants ng pinag-aagawang teritoryo.
Kung maaalala, una nang na-ban ang ‘Barbie’ na pelikula sa Vietnam, isa rin sa claimants sa SCS.
Dito sa Pilipinas, binatikos na ng ilang mga Senador ang pagpapakita ng nine-dash line sa pelikula.
Sa ngayon, nire-review pa rin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula at aaralin pa kung iba-ban din ba ito gaya sa Vietnam.
Nagkaroon na rin ng consultative meeting ang MTRCB sa producer ng pelikula na Warner Bros. // AC