Police mobile naaksidente; 2 na-ospital

Naaksidente kaninang alas-syente ng umaga ang PNP Patrol Car sa bayan ng Bataraza na sakay ang dalawang pulis na kasalukuyang naka-distino sa Bataraza Police Station.

Sa ulat, minamaneho ni Police Corporal Michael Jan Magarao ang patrol car kasama si Police Master Sergeant Lea Gludo at pagdating nila sa tulay ng Barangay Marangas ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa madulas ang tulay.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa imbestigasyon, patungo ang dalawang pulis sa Coral Bay Nickel Mining Corporation para magsagawa ng lecture.

Sinubukan daw ng driver na iwasan ang aksidente ngunit tumama ang patrol car sa steel barrier, na siyang tumama sa Honda Beat na may dalawang sakay mula sa kabilang direksyon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sakay ng motorsiklo na iyon sina Mylene Sibayan at isang labing-apat na taong gulang na babae, isang mag-aaral.

Sa kabila nito, ligtas ang dalawang personnel ng patrol car habang nasugatan ang dalawang sakay ng motorsiklo, na agad dinala sa Bataraza District Hospital.