Brigada News FM Manila – nagpaabot ng tulong sa ilang residente ng Dumagat sa Tanay, Rizal

‘Mahirap at nakatatakot’

Ganyan kung ilarawan ng mga residente ng Sitio Camachile ng Brgy. Tinukan, Tanay Rizal ang kanilang naranasan sa kamakailang paghagupit ng Bagyong Carina.

Ayon kay Sir Edwin Dela Cruz Mendoza, na siyang pangulo ng Dumagat Remontado, muntikan nang maanod ng tubig ang kanyang tindahan sa bungad ng nasabing Sitio.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Ayon naman kay Ate Lovely Guardalupe, isa sa mga residente rito, dalawang araw silang nakaranas ng lampas tuhod na baha kung kaya’t nag-evacuate na rin sila.

Kasunod nito, maagang bumyahe ang Brigada News FM Manila papunta sa naturang lugar upang mapaabutan ang mga nasabing residente ng relief packs.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Ayon sa mga benepisyaryo, malaking tulong para sa kanilang ang mga natanggap nilang reliefs upang makabangon sila mula sa dalang pinsalang iniwan ng bagyong Carina.

Samantala, ayon sa ilang residente, ang panawagan lang nila para sa gobyerno ay damihan o ayusin ang kanilang dike upang maiwasan ang ano pang matinding pagbaha.