Binabantayang LPA – malabo nang maging bagyo

Mga ka-Brigada, nahihirapang maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area sa loob ng PAR.

Huling namataan ito sa 295 kilometro northeast ng Itbayat, Batanes.

Paliwanag ng PAGASA, nahihirapan ang LPA na maging ganap na bagyo dahil nasa environment ito na hindi conducive para mag-develop bilang isang tropical depression.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Samantala, mararamdaman pa rin ang southwest monsoon o habagat sa Ilocos Region, Benguet, Abra, Zambales, at Bataan kaya asahan ang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Apektado rin nito ang bahagi ng Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon kaya posibleng magkaroon ng katamtaman hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa nalalabing bahagi ng bansa – maging handa sa mga tiyansa ng pag-ulan na dala naman ng localized thunderstorms.