PNP, pursigido pa rin sa paghahanap kay Quiboloy

Pursigido pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, nitong Biyernes, May 10 nang muling nagkasa ng operasyon ang PNP sa Davao City upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Quiboloy at iba pang akusado ngunit hidni umano ito natagpuan sa lugar.

Sabi ni Fajardo, hindi lang ang PNP ang naghahanap kay Quiboloy kundi maging ang National Bureau of Investigation.

Sa pinakahuling impormasyon mula sa BUreau of Immigration, ayon kay Fajardo, hindi pa nakakalabas ng bansa si Quiboloy.

Patuloy ang panawagan ng pulisya sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan nito at iba pang akusado na agad na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *