Lalaki, patay sa saksak sa Buenavista, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong saksakin habang sakay ng motorsiklo sa Barangay Maligaya, Buenavista, Quezon nitong Linggo, Mayo 12.

Ayon sa police report, sumigaw at nagmura umano ang biktima kung saan doon na kinuha ng suspek ang bolo at sinaksak ito sa kaliwang bahagi ng tiyan.

Agad na binawian ng buhay ang biktima habang ang suspek naman ay boluntaryong sumulo sa mga awtoridad.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Buenavista Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *