Magsusuot si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng bulletproof vest at posas habang napapaligiran ng mga police escorts para sa pagdalo sa Senado ukol sa legislative investigation sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, aalis si Guo ng alas-8 ng umaga sa kustodiya ng PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Magsisimula kasi ang naturang pagdinig sa Senado ng alas-10 ng umaga.
Dagdag pa niya, na hindi na mangyayari kay Guo ang hostage taking incident na nangyari kay de Lima taong 2022 habang nasa Custodial Center.
Tinitiyak naman ng ahensya na mahigpit na susundin ng mga alagad ng batas ang security protocols sa pagdadala kay Guo sa tanggapan ng Senado sa Pasay City.