Pagbili umano ng bakuna laban sa trangkaso ng DOH, naantala

Binatikos ng publiko ang pagaaksaya ng pondo ukol sa pagbili ng bakuna laban sa trangkaso ng Department of Health (DOH).

Ito ay matapos sabihin ni dating kalihim ng DOH na si House Deputy Majority Leader Iloilo 1st district Rep. Janette Garin, na ang pagbili sa flu vaccine ay naantala sa ikalimang pagkakataon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga virus mula sa trangkaso ay pinipili kung anong bakuna ang dapat na ituturok.

Batay ito sa iba’t ibang data tulad ng epidemiologic, genetic, at antigenic data.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sinabi pa ni Garin sayang ang budget na inilaan para dito dahil ang umiiral na serotype ay magbabago muli sa susunod na taon.

Sa huli, hinihimok naman ng mga eksperto at ilang mga grupo ng kalusugan ang DOH na makapagbigay na ito ng libreng bakuna kontra lagnat sa susunod na taon.