Seguridad ng PNP para sa transportasyon ni Guo mula Crame hanggang Senado, nakahanda na

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ligtas nitong maihahatid ang na-dismiss na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo mula sa Camp Crame Quezon, City patungo sa Senado sa Pasay, City bukas.

Ito ay matapos ang kahilingan ni Sen. Risa Hontiveros na makasama si Guo sa pagpapatuloy ng Senate hearing.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ang pagharap ng dating alkalde sa Senado muna ang unang gagawin bago mag patuloy sa imbestigasyon sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi naman ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, dapat na isaalang-alang ang kanyanmg kaligtasan sa kung ano man ang kanyang natatanggap na mga death threats.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Sasakay si Guo sa isang secured na sasakyan kasama ang mga babaeng pulis at mga miyembro ng SWAT (Special Weapons and Tactics Team) na magiging bahagi ng convoy.