PNP, pinaghahandaan na ang mga kaso vs election-related crimes and offenses

Inatasan na ni Philippine National Police officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao ang mga unit commanders na ihanda na ang mga kasong dapat isampa laban sa mga indibidwal o grupo na sangkot sa mga krimen at iba pang offenses o violations na mayroong kinalaman sa eleksyon.

Ayon kay Danao, ngayong patapos na ang kanilang tungkulin sa pagtitiyak ng seguridad sa halalan at pagbabantay sa mga balota, ang tututukan naman ngayong hakbang ng PNP ay ang pagsasampa ng reklamo at kaso sa mga election violators.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kabilang na rito ang mga lumabag sa pinaiiral na gun ban at liquor ban, at gayundin sa mga natanggap nilang ulat ng pagbili o pagbenta ng mga boto.

Pinabibilis na ng PNP OIC ang case-build up sa mga sangkot dito nang sa gayon ay kaagad na silang mapanagot sa batas.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Samantala, pinamamadali rin ni Danao ang imbestigasyon sa mga election-related violence incidents para matukoy na kung sino ang mga nasa likod ng mga panggugulo o ‘di kaya’y mga pangha-harass sa iba’t ibang mga lugar.
#